Sunday, June 7, 2009

CONTINUATION NG CHAPTER II

Ang Kadugtong...


Sa likod ng pinto may mga yapak na naririnig, kasabay ng pag dagundong ng langit, at bulusok ng malakas na hangin, ng biglang bumukas ito at sa kadiliman naaninag ang isang hugis; hugis ng isang tao. Unti-unting lumapit ang taong ito sa pinto at habang lumalapit dahan dahang nalalantad ang kanyong anyo sa tulong ng isang lampara, kumislap ang kanyang mga mata pag tama ng sinag ng lampara, nag deflect ang ilaw nito sa kanyang rayban, at ala robin padilla lumingon ito ng patakilid at tinanggal ang rayban...at minungkahi nya...

Mystery Guy: Bakit nakapatay ang ilaw?! ang dilim dilim kaya! di naman brownout ah!

nagimbal ang pamilya ni Signus. Inihipan ang lampara at in-on ang ilaw, at sinabi ng kanyang ama...

Erpats ni Signus: Ngak! Ikaw na pala yan Manong Huseyn!(insert kidlat effects) Di mo ba nagustuhan ang aming dramatic light effects? para grobi!

Huseyn: Anong grobi? ayusin mo nga yan! hindi grobi! kulto ang tawag dito o kaya Pank!

at habang nagsasalita ang myteryosong si manong Huseyn (insert kidlat effects), may narinig siyang isang malakas na BZZZZZ sound ng biglang may malakas na usok na pumalibot sa kanya at binalot siya...

Huseyn: *ubo2x* langya! ano ba to? imbes smoke machine ang gamitin nyo bakit tatlumpong katol to na nilagay sa tapat ng elektrikpan! balak nyo ba akong mamatay sa Lang Kanser?

Erpats ni Signus: Naku, patawad manong Huseyn(insert kidlat effects) kala namin gusto mo ng mala hollywood na entrance.

Huseyn: o siya2x, asan ang batang sinapian ng masamang espiritu? asan si Signus?

...Dahil sa mga tanong na yun, binalot ng katahimikan ang buong paligid...Hindi makasagot ang mga magulang ni Signus dahil sa sobrang pangamba at takot...ng biglang...

Signus: Gusto ko ng MAKE - UP KIT!!! asan na ang MAKE - UP KIT ko!!!

Nagimbal ang lahat sa malakas na sigaw na yun at dali dali silang tumakbo sa kwarto kung saan nakatali si Signus..Nagulat sila ng madatnan nila na nakalas na ni Signus ang mga tali at nagbago na ang kanyang mga damit... Naka... hanging blouse na siya... at polka dot na skirt... tunay na nakakagimbal... nakakapanlumo... at nakakatakot... at sa gitna ng Kaguluhan at kababalaghan sumigaw si manong Huseyn(insert kidlat effects)...

Huseyn: Kumuha kayo ng bawang galing sa gubat! isang drum na puno ng tubig galing sa kanal! Puso ng Saging na ginataan! mga bubug galing sa bote ng "the bar"! at higit sa lahat isang mocha frappe galing starbucks!!! bilisan nyo!!!

Erpat: Para san po ang mocha frappe manong Huseyn?(insert kidlat effects)

Huseyn: Wag mo ng kuwestiyonin ang aking pagka dalubhasa! lahat ng sinabi ko ay kelangan!bilisan mo!

Tumakbo ang mga magulang ni Signus at naiwan sa kwarto ang dalawa...

nakaupo lamang sa kama si Signus, naka cross-leg o dikwatro, at magkahawak ang dalawang kamay na nakapatong sa tuhod ng paa...

samantalang si Huseyn(insert kidlat effects) ay nakatayo sa may pintuan lamang, nakatitig, nagmamasid, at nanlilisik ang mga mata...at sinabi nya...

Huseyn: Ang unang pumikit ang mata...TALO!!!

bumukas ang mga bintana sa lakas ng puwersa ng pagsigaw ni Huseyn at bumulusok ang malakas na hangin papasok... ngunit si Signus ay hindi nagimbal...

Signus: Gaym.(sabay kindat)

SINO ANG MANANALO SA LABAN NILANG DALAWA?
MAKAKAKITA KAYA NG MAKE - UP KIT SI SIGNUS?
DISQUALIFIED NA BA SI SIGNUS DAHIL KUMINDAT SIYA?
O DI KAYA NAMAN NAG TIME PERS SIYA MUNA BAGO KUMINDAT?
AT BAKIT LAGING MAY KIDLAT EFFECTS TUWING BINABANGGIT ANG PANGALAN NI HUSEYN?
SENYALES BA ITO NA SIYA AY MAY KAPANGYARIHAN?


ABANGAN ANG KADUGTONG PAG DI NA TINAMAD ULIT ANG MAY ARI NG BLOG NA TO!

2 comments:

  1. hahahaha. laughtrip much. :D
    naiimagine ko si signus humahanap ng make-up. tugmang tugma sa new post ko. may make up ako dun. :))

    anyway, si huseyn (insert kidlat effect). katakot naman yan sia. haha

    ReplyDelete

NAME:

FROM:

REASON FOR ELECTROCUTION: