Tuesday, May 12, 2009

Ang Alamat ni †SiGnuS† : Ang Hari ng BukidLat

Chapter II: Ang Hinagpis ng Magulang



Lumaking masipag at matikas na binata si Signus, tunay na pinagpala ang kanyang mga magulang. Nabuhay siya ng tahimik at mapayapa sa kanilang simpleng barong2x. Ala silang cable tv pero meron silang Dream Sattelite, walang electricfan ngunit may Hondura airconditioning. Simpleng buhay lamang ang kanyang kinalakhan.

*insert bahay kubo background music*

Ngunit isang malagim na gabi, nagising na lang ang mga magulang ni Signus sa isang malakas at matinis na sigaw, isang sigaw na nakakabingi at nakakagimbal. Nagmadali silang tumakbo sa kwarto ni Signus at sila ay nagimbal sa kanilang nakita. Isang eksenang hindi kayang ilarawan ng kahit anong salita, tunay na nakakapanindig balahibo...

*insert aswang cellphone ringtone*
Nakita nila si Signus na sumisigaw na parang sinapian ng malanding dalaga na nakapatong sa upuan habang tinuturo ang isang maliit, mabalahibo, at mabahong... DAGA!!! Nagimbal sila... Di mapagkakailang isang masamang espiritu ang sumapi sa anak nilang si Signus. Hinabol nila ang daga sapagkat malakas ang pakiramdam nila na ito ang sanhi ng pagsapi ng masamang espiritu kay Signus, gawa ito ng EBIL!!! sigaw ng ama ni Signus. Ngunit nakatakas ang malaking daga. Nagsisisigaw parin si Signus at di mapigilan. Sa pagkakataong ito hinuli na siya ng kanyang ama at tinalian ito. Nagpatawag ng Albularyo ang kanyang ama...
(makalipas ang ilang oras)
Dumating na ang albularyo...isang matandang ermitanyo...malalaman mo ito sa kanyang damit, naka PUMbA shoes at LACTOSE shirt. nakikita ang karunungan sa kanyang anyo... nakakasilaw...nakakamangha...

sa puntong ito bibitinin ko kayo!

ANO ANG MANGYAYARI SA PAGHAHARAP NG ALBULARYO AT NI SIGNUS!
MAHUHULI KAYA NILA ANG DAGANG NAGDALA NG MASAMANG ESPIRITU!
AT BAKIT NAGHAHANAP NG MAKE UP KIT SI SIGNUS! eto na ba ang kanyang katapusan?

4 comments:

  1. haha. wag muna sana dumating ang katapusan ni signus. naaaliw pa akong magbasa ng kwento nya eh. haha. baklush pala sya. nakew ! :D

    ReplyDelete
  2. haha.hindi siya baklush...sinapian lang. lol.

    keep on reading. :p tnx for dropping by.

    ReplyDelete
  3. bakla ata e.
    pakisabi nalang sknya,
    i have my make up kit here.
    pwede nyang mahiram. ahahah!

    ReplyDelete
  4. hahaha. sige pahiram mo sa kanya, lagay kita sa kwento.haha. ang babaeng nagdala ng make up kit ni signus. haha

    ReplyDelete

NAME:

FROM:

REASON FOR ELECTROCUTION: