Tuesday, May 12, 2009

Ang Alamat ni †SiGnuS† : Ang Hari ng BukidLat

Chapter II: Ang Hinagpis ng Magulang



Lumaking masipag at matikas na binata si Signus, tunay na pinagpala ang kanyang mga magulang. Nabuhay siya ng tahimik at mapayapa sa kanilang simpleng barong2x. Ala silang cable tv pero meron silang Dream Sattelite, walang electricfan ngunit may Hondura airconditioning. Simpleng buhay lamang ang kanyang kinalakhan.

*insert bahay kubo background music*

Ngunit isang malagim na gabi, nagising na lang ang mga magulang ni Signus sa isang malakas at matinis na sigaw, isang sigaw na nakakabingi at nakakagimbal. Nagmadali silang tumakbo sa kwarto ni Signus at sila ay nagimbal sa kanilang nakita. Isang eksenang hindi kayang ilarawan ng kahit anong salita, tunay na nakakapanindig balahibo...

*insert aswang cellphone ringtone*
Nakita nila si Signus na sumisigaw na parang sinapian ng malanding dalaga na nakapatong sa upuan habang tinuturo ang isang maliit, mabalahibo, at mabahong... DAGA!!! Nagimbal sila... Di mapagkakailang isang masamang espiritu ang sumapi sa anak nilang si Signus. Hinabol nila ang daga sapagkat malakas ang pakiramdam nila na ito ang sanhi ng pagsapi ng masamang espiritu kay Signus, gawa ito ng EBIL!!! sigaw ng ama ni Signus. Ngunit nakatakas ang malaking daga. Nagsisisigaw parin si Signus at di mapigilan. Sa pagkakataong ito hinuli na siya ng kanyang ama at tinalian ito. Nagpatawag ng Albularyo ang kanyang ama...
(makalipas ang ilang oras)
Dumating na ang albularyo...isang matandang ermitanyo...malalaman mo ito sa kanyang damit, naka PUMbA shoes at LACTOSE shirt. nakikita ang karunungan sa kanyang anyo... nakakasilaw...nakakamangha...

sa puntong ito bibitinin ko kayo!

ANO ANG MANGYAYARI SA PAGHAHARAP NG ALBULARYO AT NI SIGNUS!
MAHUHULI KAYA NILA ANG DAGANG NAGDALA NG MASAMANG ESPIRITU!
AT BAKIT NAGHAHANAP NG MAKE UP KIT SI SIGNUS! eto na ba ang kanyang katapusan?

Monday, May 11, 2009

Ang Alamat ni †SiGnuS† : Ang Hari ng BukidLat

Ang Alamat ni †SIGNUS†: Ang Hari ng BukidLat
Nuong unang panahon sa kaharian ng BukidLat; ang lugar na puno ng misteryo at kababalaghan, ng giyera at abu sayyaf, ng mga senador na maagang nangangampanya at mamamayang uto-uto, nabuhay ang isang binatang sobrang pinagpala. Siya ay higit na nakakalamang sa ibang nilalang sa mundong ibabaw. Binigyan siya ng mga regalong ginawa siyang mistulang isang diyos diyosan; lakas ng oso, bilis ng cheetah, liksi ng tipaklong, mata ng langaw, at higit sa lahat mukha ng isang kabayo with matching snout. Dahil sa mga taglay nyang lakas siya ay tinaguriang hari ng BukidLat, Siya ay nag ngangalang... *insert drumroll*†SIGNUS†! ang Hari ng BukidLat! Lat! Lat! Lat!.. *ubo* Lat! Lat!

Ngunit bago ang lahat mag simula tayo sa pinakaunang bahagi ng kwento sa buhay ni Signus...

CHAPTER I: Ang Pagsibol

*OMITTED by MTRCB*
(ewan bakit...masiyado daw malaswa para sa isang free blog, kaya mag popost na lang ako ng pabitin sa chapter I para magets nyo ano ang nangyari...I repeat di ko parin alam bakit inomit ng MTRCB)
exerpt:
ina ni Signus: ahhh!
tatay ni Signus: ohhh!
(if gusto nyo malaman ang istorya sa likod ng Chapter I comment lang kayo sa baba at hanapin ang 200 words na password.)


CHAPTER II: Ang Hinagpis ng Magulang
TO BE CONTINUED